^

Probinsiya

Babae nasakote sa P2.2 milyong shabu

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang 32-anyos na babae ang agad na inaresto ng mga pulis matapos silang bentahan ng P2.2 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa bayan ng Buldon sa Maguindanao del Norte nitong umaga ng Biyernes, June 13, 2025.

Nakadetine na sa Buldon Municipal Police Station ang suspect na kinilalang si Saima Guialoden Mundas na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Sa ulat nitong Biyernes ni Police Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng PRO-BAR, naikasa ang naturang anti-narcotics operation sa tulong ng mga local officials sa Buldon at mga impormanteng alam ang malakihang pagbebenta ng shabu ng nakadetine na si Mundas at ilang mga kasabwat na mga residente rin ng Buldon at ilang mga bayan sa Maguindanao del Norte.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with