^

Bansa

Quiboloy, binisita ni VP Sara sa kulungan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na binisita niya si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo Quiboloy, sa Pasig City Jail kamakailan.

Ayon kay VP Sara, kinumusta niya ang lagay ni Quiboloy sa kulungan at pinag-usapan nila ang ­naging resulta ng katatapos na halalan. Inalam din aniya niya ang mensahe ng pastor para sa kanyang ama at ipinaabot na niya ito rito.

Ayon sa bise presidente, masaya siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makabisita sa pastor upang makumusta ito.

Panalangin naman umano ni VP na hindi na magkasakit ang pastor habang nasa bilangguan ito.

Umaasa rin aniya siya na mareresolba na sa lalong madaling panahon ang mga kasong kriminal na kinakaharap ni Quiboloy.

Si Quiboloy ay kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail dahil sa iba’t ibang kasong kriminal na kinakaharap, kabilang na rito ang qualified human trafficking at child abuse.

Si Quiboloy ay kabilang sa 66 senatorial candidates na tumakbo sa katatapos na 2025 midterm polls ngunit natalo.

KOJC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with