Mag-ate arestado sa pag-live show sa 10 minor

MANILA, Philippines — Isang mag-ate ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nag-uutos ng live show sa 10 menor-de-edad na kaanak sa isinagawang entrapment operation sa Tarlac noong Hunyo 10.
Iniharap kahapon ni NBI Director Judge Jaime Santiago sa media ang mag-ate na kapwa nasa hustong gulang, residente ng Concepcion, Tarlac.
Ang mag-ate ay nagsisilbing facilitator ng sex video, mga larawan at malalaswang live streaming ng kanilang 10 menor-de-edad na ang dalawa dito ay mismong kapatid nila.
Nag-ugat ang pagdakip sa magkapatid sa impormasyong nakuha sa naarestong sexual child offender na si Heinz Henry Andreas Berglund, Swedish national na parokyano noong Abril 2, 2025 batay sa nakuhang impormasyon sa Nordic Liaison Office (NLO) at tugma rin ang deskripsyon sa ibinigay na referral ng Homeland Security Investigation (HIS).
Kaya’t nitong noong Hunyo 10, ay sinalakay ang dalawang bahay ng magkapatid gamit ang 2 warrant to search, seize and examinte computer data (WSSECD) na inisyu ng korte.
Nasamsam ang mga ebidensya kaugnay sa paglabag sa Republic Act11930 (Anti OSAEC and CSAEMs Act), Republic Act No. 9208, na inamyendahan ng RA 11862 (Anti-Trafficking in Persons Act), at RA. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination).
Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 10 menor-de-edad.
- Latest