Impeachment trial ni VP Sara buhay pa - Risa
MANILA, Philippines — Naniniwala si Sen. Risa Hontiveros na buhay pa rin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Hontiveros, sa ngayon ay nasa sitwasyon ng “deferrals” at klaripikasyon ang trial pero buhay pa rin ito at sumisipa.
“Right now we’re in a situation of deferrals and clarifications... At least ongoing na, alive and kicking yung impeachment trial kahit naging pahirapan yung pagsisimula nitong linggo,” ani Hontiveros sa panayam ng ANC Headstart.
Nauna ng sinabi ni Hontiveros na dapat itinuloy na lamang ang trial sa halip na hiningan pa ng klaripikasyon ang House of Representatives dahil maaari namang matanong ang mga House prosecutors tungkol dito.
“Kung ang layunin lamang ay mag-certify ang House na hindi nila vinaolate (violate) yung one-year rule dahil daw tatlo o apat na impeach-ment complaint ang ni-refer, kung ang layunin lamang ay sabihin ng 20th Congress, which is hello, doesn’t exist yet now, na willing and able sila ituloy yung impeachment, napakadaling gawin yun sa pamamagitan halimbawa ng House prosecutors,” ani Hontiveros.
Ang orihinal naman aniyang plano ay babasahin na ang articles of impeachment base sa inaprubahang mosyon noong nakaraang Lunes.
Tiniyak din ni Hontiveros na tuloy ang kanilang laban hanggang sa 20th Congress kung kailan inaasahan na magpapatuloy na ang trial.
“Ang ugali ko, ang ugali namin, ituloy ang laban para sa hustisya. For one, kahit dun sa approved motion nila, conceded na magko-crossover itong impeachment mula sa 19th Congress hanggang sa 20th Congress,” ani Hontiveros.
- Latest