VP Sara balik Pinas na

MANILA, Philippines — Balik Pilipinas na si Vice President Sara Duterte matapos ang apat na araw na personal na biyahe sa Malaysia kasama ang kanyang pamilya.
Sa pahayag ng Office of the Vice President, sinabi nito na bumalik na sa bansa ang Bise Presidente kahapon, araw ng Sabado sakay ng Philippine Airlines flight PR 530 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).“Her return follows a recent visit to Malaysia,” saad pa ng OVP.
Habang nasa Malaysia ay dumalo rin siya sa Independence Day celebration kasama ang OFWs.
Matatandaan na nasa Malaysia din ang Bise Presidente nang isilbi ng Senate Sergeant-At-Arms ang writ of summons para sa kanyang impeachment case.
Samantala, sinabi rin ng kanyang tanggapan na nakatakdang dumalo si VP Sara sa 2025 PASIDUNGOG awarding ceremony sa Davao City sa Lunes, Hunyo 16.
- Latest