^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 5-minute response policy ng PNP

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - 5-minute response policy ng PNP

SA pelikulang Tagalog lagi nang napapanood ang eksena na dumarating ang mga pulis kapag nakatakas na ang mga criminal at iba pang halang ang kaluluwa. Karaniwang makikita sa pelikula na nagwawangwang ang mga police car pero wala na silang inabutan dahil matagal bago sila nakaresponde. Nakatakbo na nang malayo ang mga criminal.

Ang ganitong senaryo ay talagang nangyayari—hindi kathang isip lamang. Marami nang pangyayari na matagal nang nakatakas sa pinangyarihan ng krimen ang mga criminal pero wala pang nagrerespondeng mga pulis.

Mayroon din na mga ninanakawang ­establisimyento gaya ng sanglaan o jewelry shop na hindi agad ­narerespondehan ng pulisya. Mayroon din naman na ninanakawang pawnshop na hindi namamalayan ng pulisya kahit ilang metro lamang ang layo ng police station.

Ang mga nangyayaring ganito ang nais na wakasan ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III. Hindi na raw maaatraso ang pulisya sa pagtugon sa emergency dahil ipatutupad na ang “5-Minute Response Time”. Sa loob ng limang minuto, darating ang mga pulis sa lugar na pinangyayarihan ng krimen. Ipatutupad ito sa Metro Manila (NCRPO), Central Luzon (PRO3) at Calabarzon (PRO4-A). I-dial lamang umano ang 911 at sa loob ng limang minuto, darating ang mga pulis.

Sabi ni Torre, huwag hanapin sa presinto ang mga pulis dahil nasa telepono na sila. Darating sila sa loob ng limang minuto. Iyan daw ang pinangangako ni Torre sa publiko. Iyan daw ang kanilang serbisyo. Sisiguruhin daw nila na ang bawat tawag ay maaaksiyunan anumang oras. May maayos na umano silang kagamitan. Maayos daw ang deployment ng mga pulis na sinanay sa pagtugon sa pangangailagan.

Mariing sinabi ni Torre na sa ilalim ng mga matapang na reporma, tinatahak ng PNP ang landas tungo sa isang mas matalino, mabilis at tumutugong modelo ng pulisya—na nakasandig sa propesyonalismo, paggalang sa karapatang pantao, pagsunod sa batas, at matatag na dedikasyon sa kaligtasan at tiwala ng publiko.

Matagal nang inaasam ng mamamayan na may makitang pulis sa kalsada. Kapag may pulis na nagpapatrulya o nagroronda, napapanatag ang kanilang loob. Nararamdaman nilang ligtas sila sa mga masasamang loob. Hindi sila nangangamba na may hahablot sa kanilang bag at cell phone at pipitas sa kanilang hikaw at kuwintas. Panatag silang walang tututok sa kanila ng baril at kutsilyo at sasamsamin ang kanilang pitaka, wallet at iba pang gamit.

Inaasahan na ang pangako ni Torre sa limang minutong responde ng mga pulis ay maisasakatuparan at hindi katulad ng mga pangako noon na nanatiling pangako. Nagsasawa na ang mamamayan sa mga pangako—nais nila totoong aksiyon.

POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with