^

Police Metro

Mga kontra sa desisyon ng senado, dumulog sa SC - Chiz

Malou Escudero - Pang-masa
Mga kontra sa desisyon ng senado, dumulog sa SC - Chiz
Napuno kahapon ang harap ng gusali ng Senado sa Diokno Boulevard na mga nagpoprotesta na nanawagan sa mga senador na gampanan ang kanilang tungkulin sa isinasaad ng Saligang Batas sa impeachment process. Kinondena rin nila ang 18 senador na bumoto para ibalik sa Kamara ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Kung hindi sang-ayon sa naging hakbang ng Senado bilang impeachment court na ibalik sa House of Representatives ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay malaya ang sinuman na dumulog sa Supreme Court upang kuwestiyunin.

“Doon sa mga hindi sang-ayon, malaya po sila, puwedeng ­kwestyunin ito either sa impeachment court o sa Korte Suprema kung sa palagay nila may nilabag na batas ang impeachment court,” ani Escuderos sa isang press conference.

Idinagdag din ni Escudero na kung sa pananaw ng ilan ay ilegal ang kanilang ginawa ay iginagalang niya ang karapatan ng mga ito na puwede silang magkasaklolo sa SC.

Tiniyak din ni Escudero na tatalima siya sa utos ng Supreme Court.

“Ngayon kung sa pananaw at palagay niya ay ilegal ‘yan, ginagalang ko ang kanyang karapatan na kwestyunin na ito sa Korte Suprema. At kahit kailan kautusan ng Korte Suprema bilang abogado, ako’y tatalima doon,” dagdag pa ni Escudero.

Nauna rito, nagbotohan noong Martes ng gabi ang mga senador bilang mga senator-judges kung saan 18 sa mga ito ay pumabor sa pag “remand” o pagbalik ng Articles of Impeachment sa House of Representatives.

Tanging limang ­senador lamang ang hindi pumabor na kinabibilangan nina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Nancy Binay.

Ipinag-utos din ng ­Senate impeachment court sa House of Representatives na sertipikahan na ang kanilang impeachment complaint ay hindi lumalabag sa 1987 Constitution.

Binanggit din ni Escudero na isinantabi ang resolusyon ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na pabilisin ang paglilitis at tapusin hanggang Hunyo 30.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with