^

Bansa

Kitty kay Duterte: ‘Happy Father’s Day my sweet, handsome, beloved dada’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day, ibinahagi ng pinakabunsong anak ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte ang isang emosyonal na sulat para sa kanyang “Dada Rody.”

“Happy father’s, my sweet, handsome, beloved dada Rody. You are someone to be celebrated everyday of your life. No one could ever be on par with you as a person, as a father and as a leader,” ani Kitty sa kanyang sulat.

Sinabi rin ni Kitty na ibinigay ng kanyang ama ang lahat para sa kanyang pamilya at sa bansa.

Binanggit din ni Kitty na palaging napapansin ng mga tao ang kanyang kumpiyansa sa sarili at ito ay dahil sa ginawang pagpapalaki sa kanya ng ama.

Sinabi rin ni Kitty na palagi siyang nakakarinig ng magagandang salita sa kanyang ama sa pamamagitan ng “poetic exchange of sentiments.”

Binanggit din ni Kitty kung gaano niya kamahal ang kanyang ama at nangako na hindi siya magbo-boyfriend hanggang hindi dumarating sa edad na 30 upang magkatabi pa rin sila sa pagtulog kapag bumalik na sa bansa ang dating pangulo.

“I am not a Duterte for nothing,” wika ni Kitty na sinabing ang kanyang ama ang kanyang “hero”.

RODRIGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with